Pagpapatrolya sa karagatan ng ating mga sundalo, malaking bagay na para ipagtanggol ang ating karapatan – Kongresista

Malaking bagay na ang ginagawang pagpapatrolya ng mga sundalo natin sa karagatang sakop ng Pilipinas para igiit ang ating karapatan.

Ito ang inihayag ni House Committee on National Defense Vice Chairman at Muntinlupa Representative Ruffy Biazon dahil napoprotektahan naman aniya ang ating mga teritoryo.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Biazon na hindi na kailangan pang ibalik ang mga US military bases dito sa bansa lalo na’t naitataboy naman ng ating mga sundalo ang mga foreign vessels na pumapasok sa ating karagatan.


Una nang pinuri ni Biazon ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag kanselahin ang Visiting Forces Agreement natin sa Estados Unidos dahil parehong bansa naman ang nakikinabang.

Ibig sabihin din aniya nito ay magpapatuloy ang kampanya ng bansa laban sa terorismo sa tulong na rin ng intelligence sharing ng amerika.

Facebook Comments