Thursday, January 15, 2026

PAGPAPATROLYA SA MGA DALAMPASIGAN NG ANDA, PINAIGTING NG KAPULISAN

Pinaigting ng kapulisan ang pagpapatrolya at pagbabantay sa mga dalampasigan ng bayan ng Anda, Pangasinan bilang bahagi ng mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa mga baybaying lugar.

Batay sa ulat, nagsagawa ng regular na patrolling at coastal monitoring ang mga tauhan ng Anda Police Station sa kahabaan ng dalampasigan ng Barangay Carot.

Katuwang sa aktibidad ang mga BS Criminology OJT students mula sa Alaminos City, na nagsilbing bahagi ng kanilang field exposure at pagsasanay.

Layunin ng pagpapatrolya na maiwasan ang anumang iligal na gawain sa baybayin, kabilang ang posibleng paglabag sa mga lokal na ordinansa, iligal na pangingisda, at iba pang aktibidad na maaaring magdulot ng banta sa kaligtasan ng mga residente at mangingisda.

Sa isinagawang monitoring, nakipag-ugnayan din ang mga pulis sa mga residente at mangingisda sa lugar upang ipaalala ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa awtoridad at maagap na pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad.

Patuloy naman ang Anda Police Station sa pagsasagawa ng kahalintulad na operasyon sa iba’t ibang bahagi ng bayan bilang bahagi ng kanilang pangkalahatang kampanya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, lalo na sa mga baybaying lugar na may malaking papel sa kabuhayan at turismo ng bayan.

Facebook Comments