Naantala ng anim na oras ang pagsisimula ng absentee voting sa Hong Kong matapos na magka-aberya ang isang Vote Counting Machine (VCM).
Ilan sa Overseas Filipino Workers (OFWs) doon ay pumila ng ilang oras bago makaboto kahapon sa polling place.
Karamihan sa kanila ay sinamantala ang kanilang day off para makaboto.
Patuloy na dumadagsa ang Pinoy workers na lumalahok sa Overseas Absentee Voting (OAV) kaya humingi ng ilang sandali na break ang Hong Kong police para maiwasan ang kumpulan sa polling area.
Sa ngayon kasi ay hindi pa ganap na nakakarekober ang Hong Kong sa ika-limang wave ng COVID-19.
Facebook Comments