
Iginiit ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon na dapat magpatuloy ang pagpapatupad ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP.
Sinabi ito ni Gadon sa pagdinig ng House Committee on Poverty Alleviation na pinamumunuan ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ukol sa Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps.
Paliwanag ni Gadon, kung tinutulungan ng gobyerno mga mahihirap sa ilalim ng 4Ps ay marapat lang na tulungan din ang mga manggagawa na sumusweldo ng minimum wage o mas mababa habang patuloy na nagbabayad ng buwis gayundin ang mga kabilang sa informal sector.
Sa ilalim ng panukalang 2026 national budget ay walang alokasyon para sa AKAP dahil ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman mayroon pang natitirang P13 billion sa pondo nito sa ilalim ng 2025 budget na maaring gamitin sa loob ng dalawang taon.









