Pagpapatuloy ng BOL plebiscite sa Feb 6, tuloy sa kabila ng kambal na pagsabog sa Jolo

Sulu – Walang balak ang COMELEC na ipagpaliban ang nakatakdang plebesito sa February 6 sa ilan pang lugar sa Mindanao, sa kabila ng dalawang pagsabog sa Jolo, Sulu.

Partikular ang gagawing plebisito sa Lanao del Norte, Maliban sa Iligan City; at sa mga munisipalidad ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit, at Pigkawayan sa North Cotabato; gayundin sa 28 barangays na nais mapasama sa Bangsamoro Region.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, Hindi pa napag-uusapan ng mga opisyal ng COMELEC kung may pangangailangang ipagpaliban ang plebesito sa nasabing mga lugar.


Mahirap aniya sabihin sa ngayon kung may koneksyon sa nangyaring plebesito sa Cotabato at Basilan ang pagsabog sa Jolo.

Ipinauubaya na anya nila sa PNP ang pagtukoy kung konektado ito sa nangyaring plebesito.

Facebook Comments