Pagpapatuloy ng BSK Elections sa December, iginiit ng isang kongresista

Sa budget hearing ng Kamara ay inirekomenda ni Albay Rep. Edcel Lagman na ituloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre 5.

Ayon kay Lagman, ang dagdag P10 billion na kakailanganin kapag ipinagpaliban ang BSKE ay mainam na gamitin na lang sa pagtatayo ng sariling gusali ng Commission on Elections o COMELEC.

Sa pagkakaalam ni Lagman, P9.3-B ang magagastos sa pagtatayo ng sariling gusali na matagal ng pangarap ng COMELEC.


Para kay Lagman, hindi tama na gamiting dahilan ang recovery program mula sa pandemya para hindi ituloy ang BSKE ngayong taon.

Paliwanag pa ni Lagman, hindi totoo na magagamit ng Executive department sa pandemic recovery program ang P7.5 bilyong pondong hindi magagastos kapag hindi natuloy ang halalan.

Ito ay dahil mayroong fiscal autonomy ang COMELEC sa ilalim ng Konstitusyon at hindi maaring bawiin dito o kunin ng ehekutibo ang pondong naibigay na.

Facebook Comments