Pagpapatuloy ng clearing operation para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, pinatitiyak ng DILG sa mga LGU

Nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Unit (LGU) na ipagpatuloy ang road clearing operations para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral na dumadalo sa face-to-face classes.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, dapat ipagpatuloy ng mga LGU ang mga programang pangkaligtasan sa kalsada at pagbabawal ng mga tricycle sa mga national highway para mabawasan ang mga aksidente.

Aniya, kadalasang tricycle o pedicab ang sinasakyan ng mga bata sa pagpasok sa eskuwela kaya mahalaga na tiyaking ng mga LGU na ligtas ang daan at sumusunod ang mga driver sa mga limitasyon.


Nanawagan din ang kalihim sa mga bagong halal na opisyal na bumuo ng mga polisiya na magtitiyak na ligtas ang mga kalsada para sa mga tao, lalo na sa mga bata.

Ang pahayag na ito ni Año ay matapos ang pananagasa ng isang sports utility vehicle (SUV) driver sa isang security guard sa Mandaluyong City.

Facebook Comments