Pagpapatuloy ng COVID-19 vaccination sa bansa, tiniyak ng DOH kahit natapos na ang ‘state of calamity’

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na magpapatuloy ang pagbabakuna sa bansa gamit ang mga COVID-19 vaccine sa stockpile ng gobyerno.

Ito ay kahit natapos na nitong Disyembre 31, 2022 ang COVID-19 state of calamity.

Ayon kay Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, batay sa batas ay may isang taon pang bisa ang emergency use authority (EUA) ng mga bakuna kahit natapos na ang state of calamity.


Aniya, dadaan na ngayon ang DOH sa karaniwang paraan ng pagbili ng mga bakuna.

Sa kasalukuyan, mayroong mahigit 17.4 milyon na mga bakuna ang bansa na nakaimbak sa mga bodega kung saan anim na milyon dito ay naka-quarantine.

Patuloy naman ang panghihikayat ng DOH sa publiko na magpabakuna na ng laban sa COVID-19.

Facebook Comments