
Ikinatuwa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang muling pagbuhay ng Love Bus at pagpapatuloy ng Libreng Sakay Program sa Metro Manila.
Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, ang proyekto ay hindi lamang nagsusulong ng abot-kaya at mahusay na paglalakbay kundi nagbibigay din ng ligtas, maaasahan, at marangal na pampublikong transportasyon.
Nagpapakita rin umano ito ng pangako ng gobyerno para sa kapakanan ng mga mananakay.
Aniya, milyon-milyong commuter ang nakikinabang sa mga libreng sakay sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at gastusin sa pamumuhay.
Pareho umano ang Love Bus at Libreng Sakay ay naaayon sa Public Transport Modernization Program ng gobyerno na layong makalikha ng mas ligtas at commuter-friendly na sistema ng transportasyon.
Unang ipinakilala noong 1970 ang Love Bus at muling ibinabalik sa ilalim ng administrasyong Marcos Sr.









