Pagpapatuloy ng pagdepensa sa kalayaan, ipinanawagan ngayon Araw ng Kalayaan

“Ituloy natin ang pagtatanggol sa ating kalayaan.”

Ito ang naging mensahe nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at Congressman Oca Malapitan matapos ang flag raising ceremony sa Bonifacio Monument Circle sa Caloocan kaugnay ng 126th anniversary ng Araw ng Kalayaan.

Ayon kay Abalos, bagama’t wala na ang mga mananakop, hindi dapat magpakampante sa pagdepensa sa natamo nating kalayaan.


Aniya, nananatili pa rin ang hamon ng paglaban sa kahirapan at korapsyon.

Dapat aniyang magamit ang mga makabagong teknolohiya sa komunikasyon para sama-samang labanan ang banta sa pagpapanatili ng ating tinatamasang kalayaan.

Sa bahagi ni Malapitan, hindi dapat maulit na masakop tayo ng ibang bansa.

Lalo pa ngayon aniya na sinasakop ang teritoryo natin sa West Philippine Sea.

Facebook Comments