Pagpapatuloy ng pamamahagi ng fuel subsidy sa mga tsuper, pinayagan na ng COMELEC

Tuloy na muli ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga tsuper na naapektuhan ng serye ng pagtaas ng presyo ng langis.

Ito ay matapos na bigyan ng Commission om Election (COMELEC) ng exemption ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa election spending kaugnay ng distribusyon ng fuel subsidy.

Gayunman, nilinaw ni COMELEC Commissioner George Garcia na may mga kundisyon na binigay ang poll body sa pagpapatupad sa nasabing programa.


Kabilang dito ang parameters ng pagpapatupad ng programa at kung paano ang paraan ng pag-apply ng target beneficiaries para sa tulong-pinansyal.

Una nang pinatigil ng COMELEC ang pamamahagi ng LTFRB ng fuel subsidy matapos ang pagpasok ng election spending ban noong March 25 hanggang May 8.

Ilan ding mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang lokal na pamahalaan ang nabigyan ng poll body ng exemption sa election spending ban.

Facebook Comments