Pagpapatuloy ng pamana ng mga yumao, mensahe ni PBBM ngayong Undas

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na gawing makabuluhan ang paggunita sa Undas sa pamamagitan ng pagdarasal, pagmumuni, at pagpapatuloy ng mabubuting gawa ng mga pumanaw.

Ayon sa Pangulo, ang Undas ay hindi lamang panahon ng pag-alala, kundi pagkakataon din upang kilalanin ang kabutihan at pananampalatayang iniwan ng mga nauna sa atin.

Ang pag-aalay ng kandila at bulaklak ay simbolo ng paggalang, pasasalamat, at pangako na ipagpapatuloy ang kanilang magandang halimbawa.

Pinaalalahanan din ng Pangulo ang mga mamamayan na habang maikli ang buhay, may kakayahan ang bawat isa na gumawa ng kabutihan at positibong pagbabago sa kapwa at sa komunidad.

Para kay Marcos, ang diwa ng Undas ay hindi lamang tungkol sa mga yumao kundi sa pagpapatuloy ng kanilang pamana sa pamamagitan ng pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa.

Facebook Comments