Pagpapatuloy ng peace talks ng gobyerno at CPP-NPA-NDF, ikokonsulta muna ng pangulo

Manila, Philippines – Sasangguni si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga security advisers at mga sangay ng gobyerno bago muling buksan ang usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, maraming buhay ang nawala at ilan pang pag-aari ng gobyerno ang nasira dahil sa komunistang grupo kaya’t marapat lamang na pag-aralang mabuti kung magpapatuloy ang peace talks.

Dagdag pa ni Abella, pangmatagalang kapayapaan ang isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte at makakamit lamang ito kapag kinilala ang kawalan ng katarungan sa lipunan bilang ugat ng hidwaan.


Facebook Comments