Tutol si Sen. Cynthia Villar sa pagpapatuloy ng reclamation project sa Manila Bay na sakop ng Metro Manila.
Sa Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ng senadora na taong 2013 pa lamang ay ipinaliwanag na ni dating DPWH Sec. Rogelio Singson na posibleng magkaroon ng 6 hanggang 8 metro ng pagbaha dahil sa naturang proyekto.
Sinabi ni Sen. Villar na nararanasan na ang epekto ng reclamation project tulad ng pagbaha dahil nahaharangan ang lagusan ng tubig.
Dagdag pa ng senadora, hindi niya pinayagan na ikasa ang naturang proyekto sa lungsod ng Las Piñas dahil batid niya na lulubog sa baha ang kanilang lugar.
Muli rin niyang iginigiit na dapat ng isagawa ang decongestion sa Metro Manila dahil sa nagsisiksikan na ang mga residente sa dami ng itinatayong bahay at mga condominium.
Mungkahi pa ng senadora, maraming bakanteng lupa sa mga kalapit na lalawigan na maaaring paglipatan ng mga tao na maaaring maging solusyon para maiwasan ang pagsisikip sa Metro Manila.