Manila, Philippines – Nagtungo sa tanggapan nina Majority Leader Tito Sotto, Committee on Banks Chairman Chiz Escudero at Sen. Grace Poe si Atty. Lorna Kapunan at ang kliyente nito na si Mrs. Trisha Bautista.
Hiniling ni Mrs. Bautista na ituloy ng senado ang imbestigasyon laban sa kanyang mister na si COMELEC Chairman Andres Bautista at sa mga bank accounts nito na naglalaman umano ng mga ill-gotten wealth.
Isang beses ng nagsagawa ang senado ukol sa mga accounts ni Bautista sa Luzon Development Bank makaraang mabasura na sa committee level sa Kamara ang impeachment complaint laban dito.
Wala naman sa kanyang tanggapan si Escudero ng dumating si Mrs. Bautista at Atty. Kapunan pero nag-iwan ito ng kopya ng inihain nila sa Korte Suprema na disbarment case laban kay UST Civil Law Dean Nilo Divina.
Ang kaso ay may kaugnayan sa isiniwalat ni Mrs. Bautista na umanoy komisyon na ibinayad ng Divina Law Firm kay Chairman Baustista.