Pagpapatuloy ng work-from-home arrangement setting, suportado ng DOH

Suportado ng Department of Health (DOH) ang pagpapatuloy ng work-from-home (WFH) arrangement sa ilang mga industrial setting.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, maraming pag-aaral sa iba’t-ibang bansa na nagpapakita ng benepisyo ng WFH arrangement kung saan nakikinabang ang lahat mula sa negsoyo, sa employers at sa mga empleyado.

Lumalabas din sa mga datos na nakatulong ang WFH upang mabalanse ng isang indibidwal ang kanilang mental at physical health na siyang nagbibigay ng karagdagang motibasyon upang magtrabaho.


Dagdag pa rito, hindi lamang ito nakakatulong sa mga manggagawa na maging ligtas sa COVID-19 kundi sa iba pang mga nakakahawang sakit.

Mababatid na pinayagan ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ipagpatuloy ng mga business process outsourcing firms o BPO ang work-from-home setup maging ang kanilang tax perks.

Facebook Comments