Pagpapatuloy sa Casino operations, okay lang kay Senator Recto basta’t masunod ang health protocols

Walang nakikitang problema si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa plano ng Philippine Amusement and Gamin Corporation (PAGCOR) na buksan na muli ang operasyon ng mga Casino sa bansa.

Ayon sa PAGCOR, layunin ng pagbalik sa operasyon ng Casino na maisalba ang trabaho ng libu-libong mga empleyado nito at para makakalap ng kinakailangang revenue ang gobyerno bilang pantugon sa COVID-19 pandemic.

Diin ni Recto, ang mahalaga ay maging responsable ang mga Casino operator para hindi na makadagdag sa pagkalat ng COVID-19.


Giit pa ng Senador, dapat tiyakin ang mahigpit na pagsunod ng mga ito sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at pagpapatupad ng social distancing.

Facebook Comments