Manila, Philippines – Titiyakin ng Philippine National Police na patuloy ang kanilang pagbibigay ng mas mahigpit na seguridad sa publiko.
Ito ay upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong bansa at bilang pamasko sa mga Pilipino.
Ayon kay PNP Chief Police Director Gen Oscar Albayalde, mas pagbubutihin nila ang pagsisilbi sa taong bayan kasabay ng pagbati ng maligayang pasko at manibagong taon sa lahat.
Partikular na binati rin ng PNP Chief ang mga Overseas filipino Workers na malayo sa kanilang pamilya ngayong Pasko, aniya hindi hadlang ang pagiging malayo dahil mayroon na aniyang mga makabagong paraan para maging madali ang communication lalo na ang pagpaparating ng pagbati ngayong Pasko.
Kaugnay nito, nagpaabot rin ng pasasalamat si Albayalde sa publiko dahil sa suporta na ibinibigay ng publiko sa PNP.