Manila, Philippines- Gumulong na ang pagdinig laban sa mga kinasuhan ng PDEA sa DOJ kaugnay ng nakalusot na iligal na droga na isinilid sa apat na magnetic lifters.
Sa unang araw ng preliminary investigation tanging si Dolores Domingo ng Bureau of Customs (BOC) lamang ang nagsumite ng kanyang kontra-salaysay samantalang ang iba ay ang humingi ng karagdagang panahon para makapaghain ng kanilang counter affidavit.
Sumipot din sa DOJ ang ilang respondents tulad nina dating customs intelligence officer Jimmy Guban at Chinese na si Ping Cheung Fung.
Hindi naman nakasipot sa hearing si dating PDEA Deputy Director General for Administration Ismael Fajardo Jr. at dating Police Senior Superintendent Eduardo Acierto.
Kaugnay nito ay itinakda ng DOJ ang susunod na preliminary investigation sa Enero a-trenta para sa pagsusumite ng counter affidavit ng respondents.
Sa February 11 naman itinakda ang pagsusumite ng PDEA ang kanilang tugon sa mga isusumiteng kontra-salaysay ng mga inirereklamo.
December 13 ng nakaraang taon nang magsampa ng reklamo ang PDEA laban sa 50 respondents kaugnay ng shabu shipment na isinilid sa apat na magnetic lifters.