Pagpapatunay na hindi gobyerno ang nasa likod ng pagpatay kay Mayor Halili, isang hamon sa PNP

Manila, Philippines – Isang malaking hamon sa Philippine National Police o PNP na patunayang hindi gobyerno ang nasa likod ng pagpatay kay Tanauan Mayor Antonio Halili.

Inihayag ito ni Senador Panfilo Ping Lacson makaraang sabihin sa kanya ng pamilya ni Halili na ang pamahalaan mismo ang pinaghihinalaan nilang may kinalaman sa pagpaslang sa alkalde.

Ayon kay Senador Lacson,  tila takot at hindi na solido ang tiwala ng pamilya ni Halili sa pambansang kapulisan at sa pamahalaan.


Kaya payo ni Lacson sa PNP, gayundin sa National Bureau of Investigation (NBI) sa buong gobyerno na pagbutihin ang imbestigasyon at pagsumikapan na mabigyan agad ng resolusyon ang kaso ng pagpatay kay Mayor Halili.

Facebook Comments