Pinuri ng OCTA Research Group ang desisyon ng pamahalaan na ideklara ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) mula August 6 hanggang August 20.
Matatandaang ipinapanawagan ng OCTA ang “circuit-breaker” lockdown para mapigilan ang mabilis na paglobo ng kaso ng COVID-19 Delta variant sa NCR.
Bukod dito, pinuri rin ng OCTA ang pagpapabilis ng deployment ng COVID-19 vaccines sa Metro Manila.
Hinikayat ng OCTA Research ang mga lokal na pamahalaan, pribadong sektor at mga komunidad sa Metro Manila na magtulungan sa pagpapatupad ng mga istratehiya para mapigilan ang surge ng kaso.
Importante rin para sa lahat na manatili sa loob ng kanilang mga bahay para maprotektahan nila ang kanilang mga sarili, pamilya at kanilang komunidad.