Pagpapatupad ng 2 linggong granular lockdown sa NCR, naging epektibo – NEDA

Naging maganda ang kinalabasan ng implementasyon ng General Community Quarantine (GCQ) with granular lockdown and alert level system sa Metro Manila.

Sa press conference sa Malacañang, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Karl Kendrick Chua na base sa datos bumaba ang naitatalang COVID-19 cases, bumagal din ang hawaan at bagama’t less restriction ang ipinatupad ng pamahalaan ay binuksan ang ekonomiya at hinayaan ang marami na makapaghanap-buhay.

Paliwanag ni Chua, hindi solusyon ang pagpapatupad ng country wide o regional lockdown at sa halip tama ang stratehiya ngayon ng gobyerno na i-lockdown lamang ang isang bahay, gusali, eskinita o barangay na may mataas na kaso ng COVID-19.


Kasunod nito, naniniwala ang kalihim na dapat na rin i-adopt sa iba pang lalawigan sa bansa ang pagpapatupad ng granular lockdown.

Facebook Comments