Pagpapatupad ng 24/7 na operasyon sa mga pantalan, inuunti-unti na ng Bureau of Customs

Inanunsiyo ng Bureau of Customs (BOC) na handa nang mag-operate 24/7 ang Port of Batangas.

Alinsunod ito sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging maayos at tuloy-tuloy ang nationwide shipment process.

Ayon sa BOC, magkakaroon ng tatlong 8 hour shifts at saklaw din nito kahit weekends at holidays.


Bahagi ito ng layunin ng administrasyon na pabilisin ang proseso ng shipment para hindi maantala ang supply chain at ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments