Pagpapatupad ng 30% increase sa lahat ng PhilHealth benefits, iginiit ng isang Kongresista

Iginiit ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na itaas sa 30% ang lahat ng benepisyo at coverage na ipinagkakaloob nito sa milyun-milyong mga Pilipino.

Ang hirit ni Lee ay sa harap ng napipintong pagtaas ng ng PhilHealth contribution rate sa 5% mula sa kasalukuyang 4% alinsunod sa Universal Healthcare o UHC Law.

Ayon kay Lee, hindi lahat ng Pilipino ay may health card o HMO kaya marami ang sa PhilHealth umaasa sa mahal na gastusin sa pagpapagamot.


Magugunitang noong Oktubre ng nakaraang taon ay sumulat pa si Lee sa PhilHealth at inirekomenda ang 20% to 30% increase sa lahat ng benefit packages and coverage nito.

Inihain din ni Lee ang House Resolution No. 1407 na nag-aatas sa PhilHealth na i-update ang its coverage nito dahil hindi na akma ang case rate nito sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin kasama na ang tumataas na gastos sa pagpapagamot.

Ang naturang mga hakbang ay ginawa ni Lee makaraang mabatid noong September 2023 na may sobra-sobrang pondo pala ang PhilHealth at kaya nitong ibigay ang 30% increase sa lahat ng benepisyo para sa mga miyembro.

Facebook Comments