PAGPAPATUPAD NG 4Ps SA BAYAMBANG, UMABOT SA 96% OVERALL COMPLIANCE RATING; PABAHAY PARA SA 32 PAMILYA, ISINUSULONG

Umabot sa 96.09% ang overall compliance rating ang pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Bayambang sa apat na pangunahing programa nito batay sa naging talakayan ng Advisory Council ngayong unang kwarter ng 2026.

Bukod sa pagsusuri sa progreso ng 4Ps para sa Fiscal Year 2025, binigyang-diin sa pulong ang mga hakbang upang mapanatili at higit pang mapahusay ang kalidad ng implementasyon ng programa para sa kapakanan ng mga benepisyaryo.

Isa rin sa mga tinalakay ay ang Grand Ukay for a Cause na naglalayong makalikom ng pondo para sa pagtatayo ng 32 bahay-kubo na ipagkakaloob sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

Tiniyak sa pulong na ang 20 bahay-kubo ang agad na maisasakatuparan mula sa personal na kontribusyon ng mga lider ng bayan.

Pinag-usapan din ang iba pang programang direktang nakaaapekto sa sektor ng mahihirap, kasabay ng pagtalakay sa Calendar of Activities para sa 2026 bilang gabay sa mga susunod na proyekto at serbisyo lokal na pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments