Pagpapatupad ng 60 days suspension ng improted na bigas, tututukan ng BOC

Siniguro ng Bureau of Customs (BOC) na mahigpit nilang ipatutupad ang utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na 60 days na suspensyon o pagbabawal sa importasyon ng bigas.

Ito ay bilang proteksyon sa mga lokal na magsasaka mula sa negatibong epekto ng murang imported na bigas.

Paraan na rin ito para sa pagpapanatili ng katatagan ng lokal na merkado at maprotektahan ang industriya.

Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, paiigtingin nila ang pagbabantay sa lahat ng pantalan at makikipag-ugnayan sila sa Department of Agriculture (DA) para matiyak ang maayos na pagpapatupad ng direktiba.

Sinabi ni Nepomuceno, hindi niya kukunsintihin ang anumang tangkang pagpupuslit at agad aaksyunan ang sinuman lalabag.

Matatandaan na nitong July 2025 ay umabot na sa ₱354 milyong halaga ng mga smuggled na agricultural products ang nasabat ng BOC.

Facebook Comments