Pagpapatupad ng alert level system, hindi nakakatulong sa ekonomiya – ECOP

Hindi makakatulong sa ekonomiya ang ipinapatupad na alert level systems with granular lockdown sa Metro Manila.

Ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz-Luis Jr., hindi naiiba sa unang ipinatupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang bagong restriksyon sa Metro Manila.

Dahil dito, marami pa ring empleyado ang nananatiling walang trabaho resulta na hindi pa rin tuluyang makakabangong ang ekonomiya ng bansa.


Ipinunto naman ni Ortiz-Luis na kung hindi pa rin naman gagalaw ang pamahalaan para gumawa ng mas epektibong hakbang, marami pa rin ang mamamatay sa gutom dahil sa kawalan ng trabaho.

Facebook Comments