PAGPAPATUPAD NG ‘ANTI-SARDINAS’ POLICY, IGINIIT NG LTO REGION 1

Nakipagpulong ang LTO Region 1 sa mga transport group upang talakayin ang pagpapatupad ng “Anti-Sardinas” policy o ang kampanya laban sa overloading sa mga pampasaherong sasakyan.

Pinangunahan nina Regional Director Glorioso Daniel Z. Martinez at ARD Engr. Eric C. Suriben ang pulong sa LTO Binalonan District Office upang ipaliwanag ang mga patakaran at layunin ng kampanya.

Binigyang-diin ng LTO na ang sobrang pasahero ay banta sa kaligtasan at labag sa batas trapiko. Tinalakay rin ang pantay at nararapat na paniningil ng pamasahe at ang kalagayan ng mga commuter.

Nagpahayag ng suporta ang mga transport group at nangakong makikipagtulungan ang mga ito para sa mas ligtas at maayos na transportasyon sa Rehiyon Uno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments