Nagkasundo ang Department of Public Works and Highways at Department of Transportation na na huwag munang simulan ang pagpapatupad ng Anti Overloading Policy.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar sa Hunyo a-30 2019 na ipapatupad ang nasabing polisya.
Layon aniya nito na bigyan ng karampatang oras at panahon ang mga truckers o trailer owners na i-upgrade ang kanilang mga kagamitan nang makasunod sa pinaka bagong Maximum Allowable Gross Vehicle weight 41,500 kilos para sa mga code 12-2 at 42,000 naman para 12-3.
Paliwanag ng kalihim ang pagsunod aniya sa naturang polisiya ay makakatulong para makaiwas sa maagang pagkasira ng mga daanan na magreresulta naman sa mas kakaunting bilang ng aksidente.
Facebook Comments