Pagpapatupad ng ‘Balik Probinsya’ Program, inihirit ng isang senador sa susunod na administrasyon

Iminungkahi ni Senator Christopher “Bong” Go sa papasok na Marcos administration na ipagpatuloy at paghusayin pa ang pagpapatupad ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa o BP2 Program.

Ayon kay Go, layunin ng BP2 program na mabigyan ng bagong pag-asa ang ating mga kababayan kung piliin nilang bumalik sa probinsya at manirahan doon.

Naniniwala si Go na ang kanyang adhikain ay kapareho rin ng hangarin ng susunod na administrasyon na masigurong mararamdaman ng bawat Pilipino ang komportableng buhay kahit saan mang sulok ng bansa.


Magugunitang noong May 2020 ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 114 para sa BP2 program na nag-aatas sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na tumulong sa pagpapaulad sa mga lalawigan.

Binanggit ni Go na isa sa mga layunin ng ‘Balik Probinsya’ Program ang siguraduhing handa at kaaya-aya ang mga probinsya para sa mga bagong negosyong ipapatayo ng mga mamumuhunan.

Facebook Comments