Pagpapatupad ng ban sa mga kargamentong manggagaling sa UK, pag-aaralan ng DTI

Pag-aaralan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang posibleng pagpapatupad ng ban sa mga kargamentong manggagaling sa United Kingdom.

Kasunod ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang suspensyon ng mga biyahe mula at patungong U.K. dahil sa bagong strain ng coronavirus.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, sa ngayon ay hindi pa nila ito napag-uusapan.


Gayunman, pinawi ni Castelo ang pangamba ng publiko kung saan ang Department of Health (DOH) na rin aniya ang nagsabing hindi kumakapit sa pagkain ang virus.

Facebook Comments