Inirekomenda ni Senator Sherwin Gatchalian na agad magpatupad ng ban sa mga POGO o Philippine Offshore Gaming Operators sa bansa.
Ito ang nakapaloob sa chairman’s report ng Senate Committee on Ways and Means matapos ang isinagawang imbestigasyon sa mga benepisyo at mga epekto ng POGO sa Pilipinas.
Giit ni Gatchalian, puro perwisyo at wala namang benepisyo ang POGO sa bansa.
Magpapaapruba rin ang senador ng resolusyon para kumbinsihin ang Ehekutibo na tuluyang ipagbawal ang POGO sa bansa.
Magpapasa rin ng batas ang senador para paghiwalayin naman ang operation at regulation functions ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) bunsod ng mga lapses sa pagre-regulate ng mga POGOs.
Pinasisingil din sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga natitirang tax liabilities ng mga POGOs.