Pagpapatupad ng batas laban sa maiingay na tambutso, pinag-aaralan ng PNP

Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapalawak ng pagpapatupad ng batas laban sa mga motorskilong may maiingay na tambutso kung saan layon umano nito na isulong ang disiplina sa kalsada sa hanay ng mga rider.

Kung saan inatasan ni Acting PNP Chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang Highway Patrol Group (HPG) at lahat ng Regional Offices ng pulisya na mahigpit na ipatupad ang umiiral na batas at lokal na ordinansa laban sa ilegal na vehicle modification ng mga sasakyan.

Ayon kay Nartatez, layon ng nasabing implementasyon na hindi manghuli agad kundi hikayatin at tulungan ang mga riders na maintindihan na ang vehicle modifications ay labag sa batas.

Dagdag pa nya, hindi dapat ituring na simpleng isyu lamang sa trapiko ang paggamit ng open pipe dahil direkta nitong naaapektuhan ng kaligtasan ng publiko at iba public order concerns.

Nilinaw rin ni Nartatez na hindi anti-rider ang polisiyang ito kundi gusto lang ng ahensya ang ligtas, legal, at responsableng pagmamaneho.

Facebook Comments