Pagpapatupad ng Bawal Bastos Law, malaking hamon para sa pamahalaan

Manila, Philippines – Iginiit ni Gabriela Representative Arlene Brosas na magiging malaking hamon ang pagpapatupad ng “Bawal Bastos Law”.

Sinabi ni Brosas na ironic na maituturing ang pagpirma ni Pangulong Duterte sa “Bawal Bastos Law” dahil ang Presidente pa nga ang nangunguna sa mga paglabag na nakasaad sa batas.

Iginiit ni Brosas na Chief propagator si Duterte ng kultura na nanghahamak at nag-o-objectify sa mga kababaihan dahil sa mga macho-fascist at misogynistic remarks nito.


Dahil dito, malaking hamon para sa mga otoridad ang pagpapatupad ng batas na ito lalo na kung ang number 1 violator ay Presidente pa ng bansa.

Sinabi pa ni Brosas na hihintayin nila ang araw na ang mismong pumirma sa batas ang siyang magiging biggest offender at mapaparusahan dahil sa pambabastos.

Facebook Comments