Pagpapatupad ng blended learning sa mga paaralan ngayong panahon ng tag-init, case to case basis ayon sa DOH

Iginiit ni Health Secretary Ted Herbosa na “case to case basis” dapat ang pagpapatupad ng blended learning sa mga paaralan ngayong panahon ng tag-init.

Sa panayam sa Senado kay Herbosa, sinabi nito na depende sa environment ng eskwelahan ang pagpapatupad ng blended learning.

Paliwanag ng kalihim, may mga paaralan na maganda ang pagkakagawa ng bentilasyon sa mga silid aralan, at kahit saan ay maaaring matuto ang mag-aaral basta’t may shaded area at may electric fan.


Bukod dito, iba-iba rin aniya ang temperatura at klima sa mga lugar sa bansa kaya kung may adjustment mang gagawin sa mga klase ay dapat individualize o isa-isa ito.

Dagdag pa ni Herbosa, maaaring mag-adapt ang Department of Education (DepEd) para sa kalusugan at sa schedule ng mga estudyante at guro upang maiwasan ang pagkakasakit ngayong panahon ng tag-init.

Ipinauubaya naman ng Health Secretary sa DepEd ang desisyon kung ibabalik sa blended learning ang mga paaralan.

Facebook Comments