Pagpapatupad ng cashless toll payment sa mga expressway, sisimulan na sa susunod na linggo

51

Tuloy na ang pagpapatupad ng cashless transaction sa mga toll gates sa mga expressway sa susunod na linggo, December 1.

Sa kabila nito, tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na wala pa ring magaganap na hulihan sa mga wala pang Radio Frequency Identification (RFID) stickers hanggang Enero 12, 2021.


Samantala, simula bukas ay epektibo na ang taas-singil sa North Luzon Expressway (NLEX)

Aabot sa apat na piso ang dagdag para sa mga class 1 vehicle; sampung piso naman para sa class 2 at ₱11.00 naman para sa class 3.

Facebook Comments