Simula sa Enero 2025, ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) na ang magpapatupad ng Republic Act 10868 o mas kilala bilang Centenarians Act of 2016.
Nasa NCSC rin ang pagpapatupad ng Expanded Centenarians Act.
Itinatadhana ng Centenarians Act of 2016 ang pagbibigay ng karadagdang benepisyo na ₱100,000 cash grant sa mga umabot na sa 100 taong gulang.
Sinisiguro naman ng Expanded Centenarians Act na ang mga Senior Citizens edad 80, 85, 90, at 95 ay makatatanggap ng ₱10,000 cash grant.
Pagsapit naman ng edad na 100 taon ay makakatanggap pa rin sila ng ₱100,000.
Facebook Comments