Pagpapatupad ng closed fishing season sa Visayan Sea, nagsimula na ayon sa BFAR

Nagsimula na ang pagpapatupad ng closed fishing season o fishing ban sa Visayan Sea.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, nagsimula ang close fishing season noong November 15, 2022 na magtatagal hanggang February 15, 2023.

Sa ilalim nito, ipinagbabawal ang paghuli ng mga isdang sardinas o tamban at mackerel sa Visayan Sea.


Partikular na bawal mangisda ay ang mga commercial fishing company.

Nilinaw naman ng BFAR na di sakop ng fishing ban ang mga municipal waters kung saan nangingisda ang mga maliliit na mangingisda sa layong labinlimang kilometrong distansya.

Dahil dito, makatitiyak ang publiko na may sapat na suplay ng naturang mga isda.

Nauna nang nagpatupad ng closed fishing season ang Palawan Sea, noong November 1, 2022 na magtatagal hanggang January 31, 2023.

Susunod namang magpapatupad ang Zamboanga Peninsula na magsisimula sa Disyembre 1, 2022 na magtatagal hanggang February 28, 2023.

Facebook Comments