Naniniwala ang dating special adviser ng National Task Force against COVID-19 na si Dr. Anthony Leachon na hindi sapat para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 ang pagpapatupad ng dalawang linggong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at kalapit lalawigan.
Ayon kay Dr. Leachon, mas mainam na hakbang na gawin ng pamahalaan ay ang pagpapatupad ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) at sundan ito ng dalawang linggong MECQ.
Kung ang COVID infection ay patuloy pa ring tumataas ay maaaring palawigin pa ang MECQ ng hanggang 100 araw.
Dapat aniya maunawaan ng lahat na hindi makakabangon ng ekonomiya ng bansa hangga’t hindi nakokontrol ang virus.
Facebook Comments