Pagpapatupad ng ECT para sa evacuees ng Mayon, pinaplantsa na ng DSWD

Plano na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpatupad ng Emergency Cash Transfer (ECT) program para sa evacuees ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Nagpulong na ang DSWD Bicol Regional Office at iba’t ibang Local Social Welfare and Development Offices ng Local Government Units (LGU) para sa implementasyon nito.

Ayon sa DSWD, sa pamamagitan ng ECT ay matutulungan ang mga evacuee na tugunan ang higit nilang pangangailangan, gaya ng pagkain at gamot, bukod sa iba pa, sa panahon ng disaster response phase.


Kasama na ring pinag-usapan ng DSWD at LSWDO ang tungkol sa camp coordination at camp management, gayundin ang patuloy na protection efforts para sa evacuees.

Ang ECT ay isang adaptive strategy ng DSWD na ibinibigay sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Facebook Comments