Pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa ilang Barangay ng Bontoc, Extended

Cauayan City, Isabela- Pinalawig ng pitong (7) araw ang ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa barangay Bontoc lli, Calittit, Poblacion, Samoki, at Tocucan sa bayan ng Bontoc, Mountain Province na magsisimula sa February 1-7.

Ito ay matapos magpalabas ng panibagong Executive Order no. 11 si Mayor Franklin Odsey.

Samantala, ang nalalabing barangay ng Bontoc ay sasailalim naman sa General Community Quarantine simula February 1 hanggang February 28.


Nakasaad naman sa kautusan na kinakailangang mamili ng isang miyembro ng pamilya na siyang lalabas sakaling kailanganin ang pagbili ng essential goods.
Ipinag-utos naman ang curfew hour mula alas-syete ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw maliban sa mga frontline workers na may pahintulot sa gobyerno.

Mananatili rin ang pagpapatupad sa liquor ban habang umiiral ang nasabing ECQ status sa naturang bayan.
Sa ngayon, mayroon ng 246 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Bontoc habang tatlong katao na ang naiulat na namatay.

Facebook Comments