Nilinaw ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi niya ikinokonsidera ang pagpapatupad ng fishing ban.
Ito’y upang maabot ang target na mas mapataas pa ang huli ng mga mangingisda.
Ayon kay Pangulong Marcos, nais niyang ipunto na matukoy ang mga breeding ground at doon dapat iwasan ang pangingisda.
Giit pa ng pangulo, na hindi rin uubra na magpatupad ng fishing ban dahil siguradong makakaapekto ito sa hanapbuhay ng mga umaasa sa panghuhuli ng isda.
Nabatid na sa kanyang pakikipag-ugnayan sa mga mangingisda, nalaman ng Pangulong Marcos na lubhang bumaba na ang kanilang huli kaya’t naghahanap na ng paraan kung paano mapaparami ang produksiyon ng isda.
Sinabi pa ng pangulo, na kailagan matingnan at matukoy ang mga breeding grounds at mula doon ay maiwasang pasukin ang mga ito upang sa gayon ay may malambat pang mga isda ang mga mangingisda.