Pagpapatupad ng forced leave sa mga manggagawa ngayong COVID-19 pandemic, pinalawig ng DOLE

Pinalawig ng Department of Labor and Employment ang pagpapatupad ng forced leave sa mga manggagawa ngayong mayroong COVID-19 pandemic.

Sa inilabas na Department Order No. 215-2020 na may petsang Oct. 23, 2020 ni DOLE Sec. Silvestre Bello, mula sa dating anim na buwan lamang ay pinahaba na ng isang taon ang pagpapatupad ng forced leave sa mga manggagawa.

Sinabi ni Bello na ang mga empleyado ay hindi dapat mawala sa trabaho sakaling sila ay makakakuha ng alternative employment habang sila ay naka-forced leave.


Kung maapektuhan ng re-trenchment ang apektadong empleyado ay dapat tumanggap pa din ng separation pay batay sa labor code at company policies o collective bargaining agreement.

Facebook Comments