Naging epektibo para maibaba ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa NCR Plus bubble ang pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kumpara sa mga naitatalang kaso noong Abril at Mayo, makikitang bumaba talaga ang kaso ng COVID-19.
Sa NCR, ang average daily recorded cases ay nasa 1,000 na lamang kumpara sa 4,000 hanggang 5,000 cases per day noong March surge.
Sinabi ni Vergeire na malapit ng umabot sa safe zone ang NCR kapag patuloy na bumaba ang kaso ng COVID-19.
Sa ngayon, nakatuon ngayon ang pamahalaan sa Visayas at Mindanao na nagkakaroon ng pagtaas ng COVID-19 cases.
Ang rekomendasyong ibaba ang NCR plus sa normal GCQ, pag-aaralan ng Inter-Agency Task Force (IATF).