Pagpapatupad ng granular lockdown, dinepensahan ng DOH

Ipinagtanggol ng Department of Health (DOH) ang pagpapatupad ng granular lockdown sa halip ng malawakang community quarantine.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nakitang ng mga ekperto na hindi na epektibo ang tinatawag na province at regionwide restriction sa ginagwang pagtugon laban sa COVID-19.

Aniya, mauugnay ito sa tinatawag na “mobility” o paggalaw ng mga tao dahil kailangan nilang maghanapbuhay.


Sabi pa ni Vergeire, may mga benepisyo ang pagpapatupad ng granular lockdown.

Kabilang na rito ang pagsasara ng tukoy na lugar na may mataas na kaso at para matulungang umusad ang lokal na ekonomiya ng mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments