Napagkasunduan ng Metro Manila Council (MMC) na magpatupad na lamang ng granular lockdown sa mga lugar sa kanilang lungsod na may mataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay MMC Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang mga alkalde sa Metro Manila ay may kapangyarihang isailalim ang barangay, sitio, business establishments, kabahayan o compound sa granular lockdown.
Aniya, ito na ang pinakamabuting solusyon para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng nasabing sakit.
Samantala, inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kukuha sila ng mas maraming contact tracers.
Dagdag pa ni MMDA Chairman Benhur Abalos, sa oras na matukoy bilang contact, agad itong ihihiwalay at tututukan ng Local Government Units (LGUs) ang bahay, transportasyon at work place nito.