Dahil sa maigting na ipinatupad na gun ban sa nakalipas na election period o mula January 9 hanggang June 8, 2022 kaya bumaba ang naitalang election related violent incidents sa nakalipas na eleksyon.
Ito ang inihayag ni PNP Officer-In-charge Lt. Gen. Vicente Danao jr.
Aniya, nakapagtala lang ang PNP ng 27 validated Election-Related Incidents o ERI sa nakalipas na eleksyon.
Mababa ito kung ikukumpara noong 2019 election na may 133 ERI habang 166 ERI noong 2010.
Kaugnay nito, ipinagmalaki rin ni Danao na malaki ang ibinaba ng focus crimes sa bansa nitong 2022 election period na umabot sa 59,115 o 41.75% kung ikukumpara noong 2016 election.
Habang bumaba rin sa 42,616 o 73.98%, ang focus crimes sa bansa.
Facebook Comments