Pagpapatupad ng hard lockdown sa harap ng banta ng Delta variant, suportado ng ilang mga negosyante

Suportado nina Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang posibleng pagpapatupad ng hard lockdown dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.

Ayon kay Concepcion, ito ay upang maprotektahan ang ating ekonomiya sa huling quarter ng taon lalo na’t maituturing naman na “ghost month” ang buwan ng Agosto.

Paliwanag nito, karamihan sa atin ay nasa bahay lamang kapag Agosto dahil na rin sa panahon ng tag-ulan kung kaya’t walang magiging masyadong epekto ang posibleng lockdown.


Iginiit din ni Concepcion na mahalaga ang 4th quarter dahil ito ang pinakaimportante sa pagsukat ng paglago ng ekonomiya ng bansa kada taon.

Facebook Comments