LINGAYEN, PANGASINAN – Hamon para umano sa Pangasinan Police Provincial Office ngayong panahon ng kapaskuhan ang pagdagsa at pagpunta ng mga kababayan sa mga itinayong pailaw ng bawat local government units at pahirapang ipatupad ang health protocols gaya na lamang ng social distancing.
Sinabi ni Police Provincial Director PCol. Richmond Tadina, dahil sa unti-unting pagluwag ng mga quarantine restrictions ay may posibilidad na hawaan sa mga lugar na pinupuntahan ng mga kababayan lalo na at may banta ng bagong variant.
Nagbigay na umano si PCol. Tadina ng direktiba sa lahat ng Police Stations na magtalaga ng sapat na bilang ng mga pulis sa mga pailaw at ganun din sa simbahan ngayong malapit na rin umano ang pagsisimula ng simbang gabi.
Idinagdag nito na kailangan paring ipaalala sa publiko na kahit patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID19 at sa pagdami pa ng nababakunahan kontra COVID19 ay hindi pa sigurado na ligtas ang lahat mula sa banta ng pandemya at kailangan parin ang dobleng pag iingat.
Panapos nito na patuloy ang ginagawang pag iikot ng kapulisan kahit pa gabi sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan upang matiyak ang matiyak naman ang kaligtasan ng publiko mula sa banta ng kriminalidad. | ifmnews