Pagpapatupad ng ID system sa Marawi City, pinag-aaralan na ng Taskforce Bangon Marawi

Marawi City – Kinokonsidera ngayon ng Taskforce Bangon Marawi ang pagpapatupad ng ID system sa mga residente ng lungsod para matiyak na hindi makalulusot ang mga terorista.

Ayon kay Taskforce Bangon Marawi spokesman Assistant secretary Kris Purisima, makatutulong ang ID system para matiyak na mga lehitimong Maranao lamang ang mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan at hindi mabibigyan ang mga miyembro ng mga teroristang grupo.

Pero ito aniya ay panukala palamang at hindi pa ipinapatupad dahil dadaan pa ito sa proseso bago aprubahan at isakatuparan.


Kaugnay niyan ay tiniyak ni Purisima na kahit walang ipinatutupad na ID system ay tuloy-tuloy naman ang pagbibigay ng tulong sa mga residente ng Marawi City hanggang ito ay tuluyang makabangon.

Facebook Comments